For more information on power restoration, please visit Extreme Weather Restoration Updates.
Disaster Support (Suporta Kung May Kalamidad)
Makipag-ugnayan
Kung magkakaroon ng mga malaking kalamidad, may Customer Support Team ang SCE na susuporta sa mga apektadong kustomer. Kung naapektuhan kayo ng kalamidad, naririto ang SCE upang tumulong: Mangyaring tawagan kami sa 1-800-250-7339 mula 6 a.m. hanggang 9 p.m., Lunes hanggang Biyernes, o mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., kung Sabado.
Suporta para sa mga Kustomer na Apektado ng isang Malaking Kalamidad
Sa SCE, makikipagtulungan kami sa mga kustomer na apektado ng mga malaking kalamidad upang matulungan sila na madaling makabawi sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasaayos kaugnay ng pagbabayad ayon sa pangangailangan, tumutulong sa pagtatatag ng serbisyo sa mga pansamantalang lokasyon, nagtitiyak na tatanggap ang ating mga karapat-dapat na kustomer batay sa kita ng kinakailangang impormasyong makakatulong at pinabibilis ang panumbalik kasama ng isang dedikadong pangkat para sa Service Planning. Naririto ang ilang mga karagdagang bagay-bagay na dapat isaalang-alang:
Mga Pagsasaayos Kaugnay ng Pagbabayad
Kung nakakaranas kayo ng mga pansamantalang kahirapang pinansiyal na resulta ng kalamidad, maaari ninyong ipagpaliban ang isang pagbabayad sa isang mas malayo pang petsa. Maaayos ninyo ang inaasikaso ninyong pagbabayad nang online sa pamamagitan ng My Account o sa pamamagitan ng pagtawag sa amin sa 1-800-250-7339.
Magusumite ng isang Claim o Hain
Kung kailangan ninyong magsumite ng isang claim, naririto kami upang gabayan kayo at tulungan sa bawat hakbang. Tawagan kami sa 1-800-251-3311 o magsumite ng inyong claim nang online.
Suporta para sa mga Kustomer na K’walipikado batay sa Kita
Sa panahon ng isang malaking kalamidad, sa pagsusumikap na matulungan ang mga kustomer ng California Alternate Rates for Energy (CARE) na maaaring apektado, ihihinto (freeze) namin ang lahat ng berepikasyon ng kita. Gayundin, kakanselahin ang alinmang nakabinbing mga berepikasyon para sa mga kustomer sa mga apektadong lugar. Para sa impormasyon kung paanong magiging k’walipikado para sa CARE, mangyaring tumawag sa 1-800-251-3311.
Dagdag pa rito, nakatalaga ang Energy Assistance Fund (EAF) na magbibigay ng kailangang-kailangang suporta upang makatulong sa mga kustomer na mabayaran ang kanilang bill ng kuryente kung kailan pinaka-kailangan ito. Mangyaring mag-klik sa link na ito upang madagdagan ang kaalaman tungkol dito.
Naririto ang ating dedikadong taga-suportang mga kawani upang tumulong sa buong tagal ng mahihirap na epektong naranasan ng ating mga kustomer na resulta ng mga kalamidad. Nalulugod kaming matutulungan namin ang mga apektado.
Mga Tip para sa Kaligtasan kung may Lindol
- Kapag naramdaman ninyo na lumilindol, tandaan na mag-“drop, cover and hold [yumuko, sumilong at kumapit]”.
- Huwag gagamit ng mga electronics, posporo o mga lighter hangga’t hindi kayo nakakatiyak na wala nang sumisingaw na gas
- Kung nasa loob kayo ng isang gusali na malubhang napinsala, lisanin ang gusali at pumunta sa isang bukas na espasyo sa labas.
- Maging alerto sa mga panganib na maaaring matakpan ng mga labi o kalat, kabilang ang mga naputol na kable ng kuryente at mga sirang tubo ng gas.
- Kung makakarinig kayo ng sumasagisit, makaka-amoy ng gas o may mapapansing naglalawitang mga linya ng kuryente, manatiling malayo sa mga ito at ipaalam ito agad sa inyong palingkurang-bayan.
- Masdan ng mga senyales ng trapiko na maaaring patay. Taratuhin ang mga interseksyong [kanto] iyon na parang “four-way stop” o may apatang hihinto.
- Gumamit ng mga flashlight bilang pang-ilaw kapag patay ang kuryente; huwag gagamit ng mga kandila sapagkat maaaring pagmulan ang mga iyon ng panganib ng malalaking sunog.
Kahandaan kung may Lindol
Mayroon ba kayong isang planong kaugnay ng kahandaan kung may emergency upang mapanatiling ligtas ang inyong pamilya?
Pag-aralan itong 7ng tip para sa kaligtasan kung may lindol.